TANING SA BUHAY
Dok: May taning na ang buhay mo. Juan: Wala na bang pag-asa? Ano po ba ang dapat kong gawin? Dok: Mag-asawa ka na lang ng pangit at bungangera. Juan: Bakit, gagaling po ba ako ru'n? Dok: Hindi, pero mas gugustuhin mo pang mamatay kesa mabuhay!
H2O at CO2
Lito: Pare, ano ba ang kaibahan ng H2O sa CO2? Joseph: Diyos ko naman! Di mo ba alam 'yun?! Ang H2O ay hot water! At ang CO2... cold water.