Pinoy Jokes - Kanal

KANAL
Kuya: bakit ganyan itsura mo? ang dungis mo at amoy imburnal ka Utol:nakita mo ba yung kanal sa tapat ng tindahan nila aling inday? kuya: abay syempre naman utol: puwes ako HINDI ko nakita

BUTLIG
Amo: Bakit ka umiiyak? Katulong: Sabi po ni dok tatanggalan po ako ng butlig Amo: Butlig lang iiyak ka na… Katulong: Kasi ok lang kung right lig or left lig lang o… Pero bakit naman butligs pa…..

BLANKO
Josh: Kumusta ang assignment? Ricardo: Masama. Wala akong nasagutan. Blank paper ang ipinasa ko.Josh: Naku, ako rin! Paano ‘yan? Baka isipin nila, nagkopyahan tayo?!



GAY CONTEST
Emcee: What’s the big problem facing the country today? Contestant: Drugs Emcee: Very good, why do you say that? Contestant: Ang mahal kasi eh!

BENTA
(Tindahan with signboard "Selling Mountain Dew - offer please") Boy: Ale, magkano po yun Mountain Dew? Ale: Magkano offer mo boy? Boy: 10 pesos po? Ale: Di kaya boy, kinse isa benta ko.

BIRTHDAY
Pulubi: Palimos po ng cake. Ale: Aba , sosyal ka ah! Namalimos ka lang, gusto mo pang cake.. eto pandesal! Pulubi: Duh! Ate?! Bday ko kaya today?!?

PANGIT
(Sa loob ng Mall) Boy: LOVE, yan ang dati kong girlfriend. Girl: Ang pangit pangit naman! Boy: Wala akong magagawa, yan talaga ang weakness ko ever since…

DUGO’T PAWIS

Teacher: mga bata, alam niyo ba na ang bawat butil ng palay ay galing sa dugo’t pawis ng mga magsasaka? Student: eeewwww!