Pinoy Jokes - Maka-diyos

MAKADIYOS
Dad: Mabait ba ang boyfriend mo? Anak: Yes, Daddy. Daddy: Maka-Diyos? Anak: Sobra Dad. Daddy: Nasaan siya? Anak: Nandoon sa simbahan, nagmimisa!



DIGMAAN
Pedro: sumuko na kayo! wala rin kayo mapapala. Terorista: susuko lang kami kung mai-spell mo yung ceasefire? Pedro: ituloy ang laban! patay kung patay! Padadalhan ko kayo ng crysanthemum sa inyong libing! Terorista: spell crysanthemum! Pedro: sabi ko rose, bingi ka ba? Laban kung laban..walang spellingan!"

REVIEW
Teacher: okay class review muna tayo sa past lesson natin. tanong,sino si Jose Rizal? Pedro: ??? Teacher: again sino si JOSE RIZAL? Sisa: ma’am di po namin yun kilala!  Juan: ma’am classmate po ba namin siya? Pedro: bobo, baka sa kabilang section yun! Teacher: badtrip! sige change the topic! Tanong sino pumatay kay Magellan? Juan: ma’am di po kami sure kung si lapu lapu nga! teacher: o bakit naman? Juan: kasi sabi po ng tatay ko masama daw po ang mambintang ng kapwa kung di mo nman daw nakita ang totoo!

LANGIT
May tatlong Bisaya namatay at pumunta sa langit. Nakita nila si San Pedro sa pintuan. SAN PEDRO: Sorry pero bawal ang Bisaya dito sa langit. Patunayan niyo muna na di kayo Bisaya. *kinausap ang unang Bisaya. SAN PEDRO: Bisaya ka ba? BISAYA 1: Hindi pu.. *hindi nakapasok. *kinausap ang ikalawang Bisaya. SAN PEDRO: Bisaya ka ba? BISAYA 2: Hindi pu.. SAN PEDRO: San ka nakatira? BISAYA 2: Sa Antipulu..*hindi nakapasok. *kinausap ang ikatlong Bisaya. SAN PEDRO: Bisaya ka ba? BISAYA 3: Hindi po.. SAN PEDRO: San ka nakatira? BISAYA 3: Sa Manila po SAN PEDRO: Sige pwede ka pumasok dito sa langit.. *habang papasok na ang pangatlong Bisaya, napasigaw siya sa saya.. BISAYA 3: YISSSSS!