VAMPIRE IN RESTO
Rich Vampire : Waiter, order ako ng fresh blood. Ordinary Vampire : Sa akin isang order ng dinuguan. Poor Vampire : Waiter, sa akin hot water na lang. Waiter : Huh! Bakit hot water lang po?
Poor Vampire : Nakapulot kasi ako ng napkin sa kanto,
mag-tsaa na lang ako.
MAGIGING DADDY
Misis : Love, malapit na tayong maging tatlo dito sa bahay. Mister : Talaga love?? Magiging daddy na ako? Misis : Hindi love, dito na titira nanay ko.
BOY PAASA
Girl : Gusto kita Boy : Ganun ba Girl : May gusto ka ba sa akin? Boy : Wala. Umiyak si girl habang paalis, hinabol siya ni boy at
niyakap. Boy : Hindi mo pa nga tinatanung kung mahal kita. Girl : (nabuhayan) Bakit? Mahal mo ba ako? Boy : Hindi rin! Sige iyak kana ulit.
HULI KA!!!
Girl : Sweety, nasaan ka? Boy : Dito lang sa haws sweety nagpapahinga, patulog na din.
Ikaw? Girl : Nandito sa BAR, pinagmamasdan ka. Sige sayaw pa kayo
ng babae mo.
WRONG SEND
Juan : (tinext ang syota) Break na tayo! Tikla : (reply kay Juan) Huh? Bakit love? Huhuhuhu Juan : Ayyy!! Sorry love wrong send lang. Love you Tikla : ayyy! Akala ko ako! Hehehe.. okay lang
love, love u more.