Nawalang bata

NAWALANG BATA
Nanay : Oh! Anak kahit anu mangyari huwag kang bumitaw sa pagkakapit sa palda ko. Mahigit ng isang oras ng mapansin ng nanay na wala na ang kanyang anak. Nanay : Manong may nakita po ba kayong bata? Sekyu : Ano po ba ang itsura. Nanay : May dalang palda po.

YAYA NAGPAALAM SA AMO
Yaya : Ma’am magpapaalam po sana akong magbaksayon sa aming probinsiya. Amo : Oh sige, nakapagpaalam kana ba sa sir mo? Yaya : Nauna na po siya, doon na lang daw po kami magkikita.

GLOBE
Lalaki : Miss, Globe ka ba? Babae : Ay alam ko na yan, kasi ako lang ang mundo mo. Lalaki : Makikitext lang ako! Tanga! ang landi mo.




HARLEM SHAKE
Pedro : Tara pare, harlem shake tayo. Juan : Ay!! Ayoko. Pedro : bakit naman? Juan : baka mahal eh, coke float na lang.

PIZZA TIME
Si Juan umorder ng pizza Clerk : Sir ilang slice po ang gagawin naming sa pizza mo, 6 or 8? Juan : 6 slice na lang, baka hindi ko maubos kapag 8 kasi.

MASAKIT SA BUONG KATAWAN
Pasyente : Dok, kahit saan ako humawak masakit po. Doktor : Anong ibig mo sabihin? Pasyente : Kapag hinawakan ko ang balikat ko, ang sakit. Kapag sa tuhod ko, araayyy ang sakit din, kahit pos a ulo ko sobrang sakit. Doktor : alam ko na kung ano ang problema, nabali ang kamay mo.

INIWAN
Pedro : Ang sakit sakit tol!! Iniwan niya ako. Juan : Bakit? Saan ba dapat kayo pupunta?

MASAKIT ANG MATA
Pasyente : Doctor sa tuwing iinom po ako ng kape, ang sakit ng mata ko. Doktor : Tanggalin mo muna ang kutsara sa tasa mo, bago ka humigop.