Pick up line

PICK UP LINE
Simon : Miss, talon ka na dyan! Ana : Bakit naman? Simon : Para mahulog ka sa akin Ana : Ahhh!!! Ganun!!! Alam mo para kang manhole. Simon : Naks!! Gumaganti ah. Bakit naman? Ana : Tanga lang ang mahuhulog sayo.

ULAM SA LAMESA
Juan : Alam mo pare ang bait ng pusa namin. Simon : Bakit naman pare?? Juan : Kahit na pinapabayaan lang namin ang ulam sa lamesa, hindi ginagalaw. Simon : Wow! Ang bait nga, ano ba ulam niyo? Juan : Asin..




TRANSLATE TO ENGLISH
Teacher : Juan, itranslate mo ito sa English. Juan : Wat ma’am? Teacher : Ang uwak ay hinang hinang naglakad. Juan : The wak wak..weak weak...wok wok...

MABAIT NA ANAK
Nanay : Mare, swerte ko sa anak kong lalaki, ang bait. Kapitbahay : Naninigarilyo ba sya? Nanay : Hindi, mare. Kapitbahay : Umiinom ba sya ng alak? Nanay : Hindi din. Kapitbahay : Pero umuuwi siya ng late? Nanay : Hindi eh. Kapitbahay : Tama ka nga, ang bait ng anak mo. Ilan taon na ba siya mare? Nanay : Mag pitong buwan na siya bukas.

MASAKIT SA BUONG KATAWAN
Pasyente : Dok, kahit saan ako humawak masakit po. Doktor : Anong ibig mo sabihin? Pasyente : Kapag hinawakan ko ang balikat ko, ang sakit. Kapag sa tuhod ko, araayyy ang sakit din, kahit pos a ulo ko sobrang sakit. Doktor : alam ko na kung ano ang problema, nabali ang kamay mo.