ASENSADO
Tatay:
Asensado na talaga ang anak natin sa US. Ito, nagpadala ng picture, nakasandal
sa kotse. Basahin mo nga ang nakasulat sa likod. Nanay: Inay, nagpapasalamat
ako, kasi, kung hindi dahil sa kotse na ito, natumba na ako sa sobrang gutom.
DULING
Pasahero:
Mama, Magkano Po Yung Pasahe? Driver: 7.50 Yung Minimum Pasahero: (Dumukot Ito
Sa Bulsa Para Kunin Yung Pera Niya, Ngunit sa Di Sinasadyang Dahilan Kulang
Yung Pamasahe Niya.) Patay, Kulang Yung Pera Ko. Paano Kaya Ito? (Nag Isip Ito
At Lumingon Sa Driver. Napansin Niya Na Duling Ito. Sabi Niya Sa Kanyang Sarili,
Tama Duling Yung Driver Sigurado Pag Nagbigay Ako Ng 3.75 di Niya Mapapansin Na
Kulang Yung Pera Ko. Kasi Doble Yung Paningin Nito. Inabot Niya Sa Driver Yung
Pera. Ngunit Laking Gulat Niya Nung May Sinabi Yung Driver Sa Kanya. Driver:
Kulang Ito! Pasahero: Anong Kulang? Di Ba Sabi Mo 7.50 Yung Minimum? Driver: Oo
Nga 7.50 eh Dalawa Kaya Kayo. Patay! ..Akala Mo Lusot Kana ha?
WALANG
TIWALA
Nagdala ng
babae si Pedro sa bahay nila. "Huwag kang mag-alala, wala ang misis ko
rito, nagbakasyon. Puwedeng-puwede tayo rito," paniniguro ni Pedro sa
babae. Dumiretso sa kama ang dalawa at nang nasa gitna na ng kainitan ng laban,
nagsalita ang babae. "Teka, kailangan ko ng birth control pills o kaya'y
mag -condom ka." Naghanap muna si Pedro at bumalik na galit na galit. "Talagang hindi ako pinagkakatiwalaan ng
misis ko! Pati mga condoms ko, dinala! Sabi ko na nga ba, walang tiwala `yon sa
akin, eh," reklamo pa ng bitin na bitin na si Pedro.