BUKEL
Napansin nung Tiyo na yung kaniyang pamangkin na bagong salta sa America ay umiiyak sa tabi ng kaniyang nakatumbang bisikleta sa tabing daan. Tanong tuloy nung Tiyo, "Hijo, bakit ka umiiyak?" Sagot nung pamangkin, "Angkol, Angkol..." Madaling kinorek nung Tiyo yung kaniyang pamangkin, "Hijo, ikaw ay nasa America na. Hindi Angkol... Angkel!" Tinuloy nung pamangkin yung kaniyang kwento, "Angkel, Angkel, I rode my Bysikol..." Madali muling kinorek nung Tiyo yung kaniyang pamangkin, "Hijo, nasa America ka na. hindi Bysikol ang tawag diyan... Bysikel". Muling tinuloy nung pamangkin yung kaniyang kwento, "Angkel, Angkel, I rode my Bysikel to buy some Papsikol..." Madali na namang kinorek nung Tiyo, "Hijo, hindi Papsikol - Papsikel!" Tinuloy ulit nung pamangkin yung kaniyang kwento, "Angkel, Angkel, I rode my Bysikel, to buy some Papsikel... en den I pel... now I heb a Bukel..."
KUTONG
Sa loob ng
simbahan ng Quiapo, isang batang pulubi ang mataimtim na nanalangin sa Diyos. Pulubi:
"Panginoon kung maaari po sana ay bigyan ninyo ako ng sampung piso dahil
gutom na gutom na lang po ako." Narinig sya ng isang pulis na kasalukuyan
ding nagsisimba at bumilib sya sa katatagan ng bata sa pananampalataya sa
Diyos. Sa kanyang habag ay dumukot sya ng limang piso at iniabot sa bata na ang
sabi: "Amang, narinig ng Diyos ang panalangin mo at heto tanggapin mo ang
perang ito at ibili mo ng pagkain". Tumingala ang bata sa pulis, kinuha nya
ang limang pisong iniabot at muling yumuko para manalangin: "Panginoon,
salamat po sa pagdinig ninyo sa aking panalangin, pero sana naman po sa uli-uli
wag na ninyong pararaanin pa sa pulis, kasi malaki na ang bawas".