Pinoy Jokes - Lipstick

LIPSTICK
Anak: Maniwala ka po hindi ako bakla. Ama: Asus anak..matanda na ako pero hindi mo ako maloloko.
Anak: Bakit po ba ayaw niyo maniwala na hindi ako bakla? Give me a reason... Ama: Tumingin ka sa salamin para malaman mo. (Tumingin sa salamin ang anak.) Anak: Bakit ano po bang masama sa blush on at lipstick ko?

BAGSAK
Teacher: Bakit bagsak ang exam mo ngayon Juan? Dati naman magkasing taas kayo ni  Pedro. Bakit ngayon bagsak na? Juan: Kasi po di ko na katabi si Pedro.



SUMMER JOB
Studyante: Boss mag-aaply po ako. Manager: Magaaply ka? Eh bakit naka-trunks at shades ka? Anong position ba inaaplayan mo? Studyante: Summer job po.

MIMING
Daga1: Ako matapang na daga nakakain ako ng  racumin (lason para sa daga). Daga2: Ang weak mo pre. Ako matapang na daga nakakain ng cheese w/ mouse trap. Daga3: Mga bading ba kayo? Ako matapang na daga dahil sa syota  ko Daga1: Bakit ka naman naging matapang sa syota mo? Daga2: Bakit sino ba syota mo? Daga3: Si Miming yung pusa!