Pinoy Jokes - De lata

DE LATA
Anak: 'tay, pahingi ng P20. bibili ako ng de-lata! Tatay: anak, mga taga-probinsya lang ang tumatawag ng de-lata! Englishin mo! Anak: Pa'no? Tatay: 'KANG GUD" !

MENTAL
(Dumalaw si GMA sa mental hospital...) Dok: Let's welcome President Arroyo! Pumalakpak lahat ng pasyente maliban sa isa na nasa sulok... GMA: O, dok, bakit 'yung isa, hindi pumalakpak? Dok: Ma'am, magaling na po siya!



ULYANIN
(Once upon a time, a 70 year old woman gave birth.) Bisita: pwedeng makita ang baby mo? Mom: mamaya na. (30 minutes after.) bisita: pwede na bang makita? Mom: oo, pero hintay muna tayo na umiyak kasi nakalimutan ko kung saan ko linagay.

PAMBANSANG IBON
Teacher: ano ang pambansang ibon? Boy: chicken? Teacher: hindi! kulay brown ito! Boy: fried chicken! Teacher: hindi! mas maliit ito sa chicken. Boy: knorr chicken cubes! Teacher: get out!

PASYENTE

(Sa loob ng isang kwarto sa mental hospital may tatlong pasyente... isang araw dumalaw ang doctor pag pasok ng doctor nakita niya si pasyente 1 nagbabasa ng libro) Doctor: aba! nagiimprove ka na ah! Pasyente 1: i merely want to kill the time and so i ended up picking a random book..Doctor: maganda yan, big words ah. (Paglingon ng doctor nakita niya si pasyente 2 nagsusulat) Doctor: aba! isa ka pa! nagiimprove ka na a! mabuti yan! Pasyente 2: nagsusulat lang po ako ng nobela. aktibo po kasi imahinasyon ko ngaun e. Doctor: good good. pagkatapos pabasa ako a.. (Pagkatapos magusap ng doctor at ni pasyente 2 nakita nia si pasyente 3 natayo sa lamesa at open arms pa!) Doctor: hoy ikaw! bumaba ka dian! bakit di mo gayahin tong dalawa na to! walang pagbabago sa iyong kalagayan..Pasyente 3: doc ako po ang ilaw! Doctor: anung ilaw ka dian! bumaba ka nga dian [hinatak ng doctor si pasyente 3 pababa ng lamesa]..Pasyente 1 at Pasyente 2: ay! langya yan bastusan! may nagpatay ng ilaw!