KALANDIAN
Teacher: Juan sagutin mo ang tanong ko, kung
meron akong 5 anak sa unang asawa at 6 sa pangalawang asawa, mayron akong? Juan:
Ma'am meron kayong taglay na kalandian.
TUMBLING
Anak: Papa nagtumbling ako sa iskul! Ama: i told
you, huwag kang magtumbling at makikita panty mo! Anak: Hindi naman nakita eh!
Nilagay ko sa bag tay.
MABAIT
Holdaper:
Holdap to! Akina laman ng pitaka mo. Biktima: Pasensya na po walang laman ang
pitaka ko e.
Holdaper:
Ganoon ba? Paano yan? Biktima: Kung gusto niyo po kukuha muna ako sa bahay
tapos balikan ko na lang kayo dito. Holdaper: O sige. Aantayin na lang kita
dito. Bumalik ka na lang pag may laman na yang pitaka mo. Buti na lang mabait
ako.
UTANG
Mike: pare, pautang naman P200! Peter: pare, P100
lang ang dala ko. Mike: Ah, sige, isandaan lang muna. Basta ha, may utang ka pa
sa akin na P100.
SUICIDE
Boy 1: Anong
gagawin mo? Boy 2: Sawa na ako sa buhay ko. Magpapakamatay na ako. Boy 1: E
bakit sa paa nakatali yang lubid. Dapat sa leeg. Boy 2: Ayoko na sa leeg.
Sinubukan ko na kanina kaso ang hirap huminga.