INDAY
Amo : day kung pagbibigyan mo ako at hindi ka magsosombong sa ate mo , tataasan ko suweldo mo. Inday : hindi man ako maniwala sayo ,sir, kasi yun din ang sabi ni Ate sa driver natin.
PUERA
Teacher: Use “puera” in a sentence. Pupil: Mi maestro
es muy bonita. (My teacher is beautiful.) Teacher: That’s very flattering but
where’s the word “puera”? Pupil: Puera usog!
CUTE
Pedro: konti na lang daw ang cute sa mundo!! Juan:
alam mo ba kung sino sila? Pedro: yung mga taong nagbabasa ng text gamit ang
left hand. Juan:(Nag tangkang ilipat ang celpone sa kaliwang kamay)Pedro: Huwag mo na ilipat , alam ko nasa kanan yan
ORANGE
Boy 1: Pare magaling na ako sa spelling! Boy 2: Sige
nga spell mo yung “orange”… Boy 1: hehehe…nililito mo ko noh?...anong orange ba
yun? Yung prutas o yung kulay?
MANYAKIS
Babae 1 : alam mo yung kapitbahay naming napaka
manyakis . Babae 2 : a talaga ! bukas na bukas din ipakilala mo ako ha !
SAYOTE
(Tumawag si Mister kay Misis humihingi ng tawad) Mister:babe,patawarin
mo na ako. Misis: Alam mo bang umiiyak ako ngayon At galit na galit ako, kasi
dahil SAYO ... SAYO ... SAYOTE lang ang ulam namin... hilaw pa.
BABALIKAN
Girl: Maghiwalay na lang tayo! Boy: okay
lang…babalikan ko na lang ang ex ko… Girl: aba! Ang kapal mo talaga! We’re
officially break! (kinabukasan) Boy: I still love you! Girl: di ba break na
tayo? Babalikan mo pa nga ex mo di ba? Boy: eto na nga! Binabalikan na ulit
kita…hehehe
BANGGAAN
(Lalaki at babae aksidenteng nagbanggaan….) Girl: hoy!
Tingnan mo nga dinadaanan moh! Boy: paano ko titingnan ang daanan ko, kung ang
aking mga mata’y nakatitig sayo? Girl:bakit kasi ako tinitingnan mo!! Boy:
bakit pwede ba sa likod ko.
EXCITED
Boy: pag tayo nah, sabay nating haharapin ang mga
problema… Girl: wala naman akong problema eh.. Boy: kasi nga hindi pa tayo..wag
ka ngang excited..
CHEWING GUM
(Pa-landing na ang presidential plane. Napansin ng
stewardess na parang sumasakit ang tenga ni President Erap dahil sa air
pressure kaya lumapit ito.) Stewardess: Sir, chewing gum para hindi sumakit ang
tenga ninyo sa flight,’ sabi ng stewardess. (Tinanggap ni Erap ang chewing gum.
Ilang sandali pa, lumapag na ang eroplano. Kinausap ni Erap ang stewardess.) Erap:‘Miss,
paano ko tatanggalin ang chewing gum sa tenga ko?’ tanong nito.
NATUTUNAN
(Natutunan sa Skul) Nanay : anak ano ang natutunan mo
sa skul ... ? Anak : aaahh ... pwes , natutuhan ko na lahat ng itinuro mo ay
MALI !!! Nanay: tulad ng ano anak? Anak: na anak mo ako
GUARDIAN ANGEL
Ama : anak , kunin mo nga ang walis sa kusina . Anak :
ayoko , natatakot ako Ama ; wag kang matakot . kasama mo ang iyong GUARDIAN
ANGEL !!! Anak : pwes , ang GUARDIAN ANGEL na lang ang utusan mo
!